Thursday, February 9, 2012

The Power of Compounding Interest

Ano po ba ang compound interest? Ayon sa Wikipedia, Compound interest arises when interest is added to the principal, so that, from that moment on, the interest that has been added also earns interest. This addition of interest to the principal is called compounding. A bank account, for example, may have its interest compounded every year: in this case, an account with 1000 initial principal and 20% interest per year would have a balance of 1200 at the end of the first year, 1440 at the end of the second year, and so on.

Fifty+Percent+Angel
http://www.flickr.com/photos/60279093@N00/1292179973

Hayan, yung explanation nang Wikipedia ay simple lamang po. Kung meron kang 100 pesos at dineposito mo ito sa bangko na may 10% interest per year, magkakaroon ka ng 10 pesos (100x10%) na tubo after one year. Dahil may pera ka pa namang pangastos, hindi mo muna ginalaw yung 110 pesos mo sa bangko. After second year, tiningnan mo ang pero mo ngayon, ang tubo ng iyong pera sa taong iyon ay 11 pesos na (110x10). Isinama na po yung tubo nating 10 pesos last year sa computation ng 10% interest sa second year. Maganda hindi po ba? Habang patagal ng patagal ang iyong pera sa bangko lalo namang lumalaki ang iyong tubo kada taon dahil naisasama ang tubo mo sa computation ng interest.Iyan po ang tawag sa compound interest.
Sa larangan ng stock market naman, pwede po nating gamitin ang prinsipyo ng compound interest. Papaano? Halimbawa po mayroon tayong 10,000 pesos na pambili ng stocks. Ngayong araw na ito bumili tayo ng SM stocks. Sa loob lamang ng 15 days, ibinenta mo ito dahil tumaas na ito ng 15%. Hayan yung pera po natin ngayon ay 11,500 pesos(10,000+1500 profit) na. Bumili uli tayo ng stocks pero sa ngayon Ayala Land naman ang pinili natin. Ang pinambili mo ay 11,500 na. After 15 days uli, tumaas ang Ayala Land ng 15%. Yung pera natin ngayon ay 13,225 (11,500x15%). Yan po ang kagandahan ng compound interest. Sa stock market yung tubo po natin sa stocks ay nagiging bahagi ng ating cost sa pagbili ng ibang stocks.
Halimbawa naman po yung 10,000 pesos natin ay pinambili natin ng SM stocks. Binenta po natin ito after 30 days dahil tumaas ito ng 30%. Alin po kaya ang mas malaki ang tubo? Yung una na SM stocks na binili natin after 15 days with 15% profit, then bought Ayala Land and sold at 15% o yung binili nating SM stocks the sold after 30 days with 30% profit. Both have 30 days period and 30% profit.
Principal
   10,000.00
SM (15 days@15%)
     1,500.00
Ayala Land (15 days@15%)
     1,725.00
Profit
     3,225.00
Principal
   10,000.00
SM (30 days@30%)
     3,000.00
Profit
     3,000.00

Tingnan po natin yung table sa taas.Mas mataas po ang tubo ng una dahil isinama ang tubo doon sa unang 15% samantalang sa pangalawa ang base principal is 10,000 pesos pa rin.
What I am trying to say is that in stock market, it pays to sell your stocks at a profit, buy another one with another profit. Sa ganoon po tumataas ang value ng ating pera.

2 comments:

  1. papaano po ang pagsisimula?

    ReplyDelete
  2. " I mean first time ko palamang po, gusto ko po sanang subukan ang Stock Market na sinasabi po na yan, Isa po akong OFW, dito po sa bansang Qatar, Ask ko lamang po, sa papaano pong paraan ako mag uumpisa?? " Mayroon din po bang pagkalugi ng aking pera sa Stock Market? kung sakasakali man?? May makukuha din po bang dokumento na ikaw ay katunayang nakapag invest sa stock? or bumili sa STOCK?

    ReplyDelete