Friday, June 3, 2011

Magkano ang Minimum Investment sa Stock Market?

CITISECONLINE
If your stockbroker is Citiseconline, ang minimum investment ay:

International+Money+Pile+in+Cash+and+CoinsEIP/Student - 5,000 pesos. Eto yung para sa mga nagsisimula pa lang sa stock market. Sa EIP program, every month mageemail sayo ang Citiseconline para iremind ka sa stock na bibilhin mo. Walang charge yung reminder na yon kay a don't worry. Kaya kung nakakapagsave ka ng 5,000 pesos a month, pwede ka ng maging stock investor. Yung 5,000 na deposit pwede mo nang ipambili ng mga stocks na gusto mo like SCC and MWIDE. Siyanga pala, ang mga kumpanya sa stock market ay may mga acronym. Halimbawa yung SCC stands for Semirara Mining Corporation,tapos yung MWIDE, stands for Megawide Corporation. Pag pumasok ka sa stock market e makakabisado mo yung mga acronym na yan. Actually pagtinanong mo mga professional, tawag nila sa acronym na yan ay ticker. Kaya pag may nabasa ka sa diyaryo na ticker, huwag mabahala, acronym lang yan ng kumpanya. Ang ibig sabihin ng EIP ay Easy Investment Plan.

Regular Plan - 25,000 pesos. Eto ay para sa mga may alam na ng konti sa stock market. Pwede kang magbenta at bumili na parang professional. Ang maipapayo ko ay mag EIP ka muna then after few months, pag kabisado muna stock market, pwede ka ng magtrade. Bili lang ng bill ng mga blue chip stocks every month until magkaroon ka ng idea sa stocks. Ang mga blue chip companies ay ang mga malalaking kumpanya sa bansa natin tulad ng PLDT, Metrobank, Ayala, SM, etc.

Siyanga pala, pumunta ka sa site ng Citiseconline para sa karagdagang impormasyon.
http://www.citiseconline.com/final2/b_home_new/HOME_Faqs.asp

BPI TRADE
Bach+TattooIf your stockbroker is BPI Trade naman, 500 pesos ang minimum. kailangan mag-open ka ng savings account sa kanila. Tapos, popondohan mo na lang yung savings account na yon para makabili ka ng stocks. Bale, doon sa savings account na yon kukunin ng BPI ang ipambibili mo ng stocks.
Obviously, kailangan pondohan mo yung savings account mo para makabili ka ng stocks. Pag yung savings account mo naman e bumaba ng 500,may charge sila na 200 per month.

Check mo tong site ng BPI, http://www.bpitrade.com/trade/LearnMoreFAQ.jsp

4 comments:

  1. Hi Randy

    Im planning to get an EIP account, but i wanted to have the flexibility of a regular account.

    Possible ba sa Citisec EIP muna, and then magtrading ako using the same account?

    ReplyDelete
  2. Sir, how much interest po ba ang makukuha mo sa blue chips stocks?

    ReplyDelete
  3. Hi Sirs and Maams, you can get detail explanation on Mutual funds on ofw-investment.blogspot.com -> thanks.

    ReplyDelete