Sunday, March 11, 2012

Internal Trend Line


Yung una po nating chart sa nakaraang blog ay tinatawag na conventional trend line. Pagdugtungin mo lamang ang dalawang pinakamababang presyo, iyon na ang iyong conventional trend line. Tingnan po natin ang conventional chart sa ibaba.













Ang internal trend line naman po ay ang pagdudugtong ng mga mababang presyo ng higit pa sa dalawa at may linagpasang presyo (see 1,2,3,4 in the chart below). Kadalasan, nakakatulong po ang internal trend line upang makapagdesisyon kung bibili o magbebenta ng stocks.

Kapag yung presyo malapit na sa trend line (see # 3 below, hudyat na po yan na pwede na tayong bumili. 

Lagi po nating tatandaan na ang mga chart na ito ay hindi perpekto at maaaring mag-iba ang direksyon ng trend. Kapag nagiba ang direksyon, ibig sabihin po, sell signal na (see below chart with biggest circle).

Yung biggest circle sa chart natin sa baba, parang sumilip lamang po siya sa mga nakaabang sa baba dahil bigla po itong tumaas.

Recommended Reading: Getting Started with Technical Analysis by Jack Schwager


No comments:

Post a Comment